Cong. Lani Mercado, nagpapakatatag sa nangyayari sa pamilya

Cong. Lani Mercado, nagpapakatatag sa nangyayari sa pamilya

Lani-MercadoSOBRANG MALUNGKOT ngayon si Congresswoman Lani Mercado dahil sa huling kaganapan sa kanilang pamilya. Ito nga ay ang kundisyon ngayon ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Tinatapangan na lang ng wife ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang kanyang sarili, dahil bilang Mommy ni Jolo, siya talaga ‘yung nasasaktan sa mga pambabatikos na inaabot ngayon ni Jolo dahil sa nangyari sa kanya nitong mga huling araw.

Nagpapakatatag na nga si Lani dahil sa sitwasyon ngayon ni Sen. Bong na hindi nila nakakasama. Napakahirap para sa kanilang pamilya na wala si Bong. Dumagdag pa ngayon ang nangyari kay Jolo na sobrang iniintriga sa ngayon.  Nahihirapan ngayon ang karelasyon ni Jodi Sta. Maria sa kanyang kundisyon sa hospital, pero mas nasasaktan si Lani para sa kanyang anak. Hirap ang aktres-pulitiko kapag nasa panganib alin man sa kanilang mga anak.

Anuman ang kalungkutang pinagdaanan ni Jolo nitong huli, marami naman ang nagsisimpatiya sa kanya. Una sa lahat, napakalungkot ng kasalukuyang sitwasyon ng kanyang Daddy. Sobrang malapit sa isa’t isa ang kanilang pamilya. Nakape-pressure din kasi para kay Jolo, na kung maintriga ang showbiz ay okey lang. Pero ngayong public servant na rin siya sa Cavite, alam na niya ngayon na kakaiba ang intriga sa pulitika. Napakarumi ng intrigahan sa pulitika kumpara sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista