Cong. Lani Mercado, dadayuhin sa Tacloban si Pope Francis

Cong. Lani Mercado, dadayuhin sa Tacloban si Pope Francis

Lani-MercadoKAHIT MGA taga-showbiz ay naghahanda na rin sa pagdating ni Pope Francis. Medyo lie low ang mga trabaho, dahil ang pagkakaalam ko walang taping sa mga araw na nandito ang Santo Papa.

May ilang mga artistang gustong pumunta sa isa sa mga activities nito at kahit papa’no raw makita nila si Pope Francis.

Alam ko si Cong. Lani Mercado ay pupunta mismo sa Tacloban, Leyte para makadalo sa misa na gagawin doon.

Excited nga raw ang isang anak nina Sen. Bong Revilla at Lani na si Loudette dahil kasama rin siya sa grupo ng mga kabataan na haharap kay Pope Francis sa UST. Kaya pinaghahandaan nila ito.

Ang hindi lang alam ni Lani kung paano siya makabalik ng Maynila dahil wala pang flight zone sa araw na ‘yun.

Abangan n’yo na lang ang update namin sa inaabangang Papal Visit.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis