CONFIDENT! Daniel Padilla, hindi insecure sa mga lalaking type si Kathryn Bernardo!

ADVERTISING

CONFIDENT! Daniel Padilla, hindi insecure sa mga lalaking type si Kathryn Bernardo!

CONFIDENT! Daniel Padilla, hindi insecure sa mga lalaking type si Kathryn Bernardo!
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

AMINADO si Daniel Padilla na nagiging “sexy” na ang partner cum dyowa niya na si Kathryn Bernardo.

 
Hindi na kasi bagets ang peg ng dalaga at medyo may skin na rin siyang ipinapakita sa  mga pictorials niya na nakikita ng publiko, reason kung bakit dumarami na rin ang mga boys ang nagpapantasya sa girlfriend in DJ.
 
Nagkakaroon na kasi ng porma ang katawan ni Kathryn, na mas may laman na dahil sa pagsasanay nito para sa kanilang trending show na “La Luna Sangre”. Nag-level up na ang mga karakter nila at sila mismo bilang mga dalaga at binata.
 
“Totoo naman. Lalo na ngayon, ‘yung effort at oras na  binibigay niya sa pagdyi-gym at mga ginagawa niya, I think deserving naman talaga siya na maging hot talaga—napakaganda,” pahayag ng binata sa isang interview sa kanyang recently.
 
 
Pero paano nga ba makakalusot ang mga kalalakihang may planing dumiskarte kay Kathryn kung super guarded ni DJ ang dalaga?
 
CONFIDENT! Daniel Padilla, hindi insecure sa mga lalaking type si Kathryn Bernardo!Pabirong sabi ng binata sa mga magtatangka na dumiskarte kay Kathryn: “Hanggang paglaway lang sila. Hanggang doon lang sila. Libre lang naman ang mangarap,” sabi ni Daniel.
 
Hindi man siya buffy or may abs sa kanyang pangangatawan, sa ngayon ay wala pa plano na magkaroon ng “pandesal” si Daniel kumpara sa mga bagets natin na mga artista ngayon na kinakarir ang magpaka-macho na may muscle ang mga torso.
 
Ayon sa binata, tamad pa siya ngayong trabahuin ang kaseksihan at pagpapalaki ng muscles at abs.
 
On the romantic side nila ni Kathryn: “Hindi ko masasabing perfect boyfriend, pero pinagtatrabahuan nating maging the best boyfriend.” sabi ni Daniel

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING