Coney Reyes, sapat nang nand’yan si Vic Sotto para sa kanilang anak

ADVERTISING

Coney Reyes, sapat nang nand’yan si Vic Sotto para sa kanilang anak

Coney-ReyesBALIK-GMA 7 ang award-winning TV actress na Coney Reyes sa drama series na Ang Dalawang Mrs. Real na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes. Naging host siya nina Tito, Vic and Joey sa noontime show na Eat… Bulaga! at Student Canteen with Eddie Ilarde. Very challenging ang role ni Coney sa nasabing show kaya tinanggap nito ang offer ng Kapuso Network na magbalik-telebisyon. She will play the role of Sonia Real, the overprotective mother of Dingdong.

Puring-puri ni Coney si Dingdong kahit first time lang silang magkakatrabaho. Respectful young man at napaka-gentleman daw nito kung i-describe ng actress ang binata. Ang gaan daw agad ng loob niya nu’ng una pa lang silang magkakilala ni Dingdong. Feeling nga raw niya, parang anak na ang turing niya rito at gusto agad yakapin ang actor. Ang magandang pag-uugali, walang arte at hindi mareklamo ang napansin ni Coney sa binata kaya’t she’s enjoying working with Dingdong.

Nagbalik-alala kay Coney noong nasa noontime show siya with Tito, Vic at Joey. Hindi rin kaila sa atin na nagkaroon ng romantic relationship ang actress kay Vic at nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Vico. Okay naman ang samahan ng mag-ama. Hindi man perfect father ang magaling na comedian, nakikita naman ni Coney ang effort ni Vic kaya’t nasabi nito, “That’s good enough. Nand’yan raw palagi ito para sa kanyang anak.

Ayon kay Coney, maganda ang relationship nina Vic at Vico as father and son, maging sa ibang anak ng TV host/ comedian. After ng relationship nina Vic at Coney, never nang nagkaroon ng serious romantic affairs ang actress. Nasa 40th year na siya in the business at wala itong regrets.

ADVERTISING

“I’m very grateful that God has given me this talent. There is nothing more fulfilling, more wonderful than being in this business that I love,” say ni Ms. Coney Reyes.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING