Coney Reyes, nagtangkang magpakamatay

ADVERTISING

Coney Reyes, nagtangkang magpakamatay

Coney-ReyesFOR THE first time, ibinulgar ni Coney Reyes muntik na siyang magpakamatay. Take note, dalawang beses niyang binalak tapusin ang buhay noong mag-resign siya bilang co-host ng Eat Bulaga dahil sa depression.

Isa lamang si Coney sa maraming tao na nakilala ang Diyos nang makaranas ng mabigat na pagsubok. Hindi siya kasama sa mga tao na hindi kailangang dumanas ng matinding problema para magkaroon ng pananampalataya at kilalanin ang kapangyarihan ng Panginoon.

Memorable ang pagse-celebrate ni Coney ngayon ng kanyang 60th birthday dahil pagkalipas ng 32 years ay muli siyang nagbabalik sa GMA 7, kasama sa cast ng Ang Dalawang Mrs Real na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Maricel Soriano, atbp. na magsisimula nang umere sa June 2.

Bukod sa officially senior citizen na ngayong 2014 si Coney at nagbabalik sa GMA 7, ipinagdiriwang din niya ang 40th anniversary sa entertainment industry.

ADVERTISING

Sabi nga ni Dingdong, isang malaking karangalan daw para sa kanya na makasama sa isang serye si Ms. Coney Reyes na tulad niya ay may takot din at pananampalataya sa Diyos.

Samantalang inamin din ni Coney na mahal pa rin niya hanggang ngayon si Vic Sotto na ama ng kanyang anak na si Vico.

Kahit daw anong mangyari ay hindi maitatatwa na tatay pa rin si Vic ng kanilang anak kaya mahal pa rin niya si Bossing at may puwang pa rin sa kanyang puso.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING