Concert nina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy, pinuno ng hiyawan at palakpakan

ADVERTISING

Concert nina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy, pinuno ng hiyawan at palakpakan

Prima Diva Billy & Michael Pangilinan
Prima Diva Billy & Michael Pangilinan

Naging matagumpay at SRO ang katatapos na concert ng makabagong “Kilabot ng mga Kolehiyala” na si Michael Pangilinan at ng mahusay na diva na si Prima Diva Billy entitled “Full Tank” na ginanap sa Teatrino sa Greenhills last July 1, hatid ng Front Desk Entertainment Productions.
Pinuno ng hiyawan at palakpakan ang bawat awitin nina Michael at Prima Diva Billy. Katulad ng mga naunang concerts ng dalawa, magagandang line-up ng kanta at pasabog na performance ang ibinigay ng mga nasabing singer.
Naging espesyal na panauhin nina Michael Pangilinan at Diva Prima Billy ang Pink Mannequins, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Gab Maturan, Allen Sta. Maria, Daniel Bautista, at KZ Tandingan na napakahusay rin sa kanyang performance.
Hagalpakan naman sa katatawa ang lahat ng tao sa loob ng Teatrino nang simula nang mag-perform ang tinaguriang “Pambansang Baby” na si Boobsie Wonderland.
At kahit ‘di nakarating ang isa sa espesyal na panauhin nina Michael at Prima Diva Billy na si Verni Varga dahil sa biglaan nitong pagkakasakit, hindi ito naging kawalan para maging matagumpay ang “Full Pack” concert.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING