Comeback movie ni Claudine Barretto, ididirek ni Wenn Deramas

Comeback movie ni Claudine Barretto, ididirek ni Wenn Deramas

Webb-Deramas-Claudine-BarrettoFOR THE first time, nainterbyu namin si Claudine Barretto para sa bio-book ni Direk Wenn Deramas. Beautiful as ever pa rin ang controversial actress. Malaki na ang pinayat nito, tuluy-tuloy pa rin kasi ang kanyang pagda-diet. Sa tingin namin, 10 pounds pa ang kailangang tanggalin, puwede na siyang mag-comeback sa pelikula at telebisyon.

Ayon kay Claudine, may naka-line-up siyang movie na gagawin sa Viva Films at Star Cinema. Siya na lang ang hinihintay para masimulan na, kailangan nga lamang in good shape na ang katawan ng magaling na actress para maganda itong tignan on the big screen.

Sa comebacking movie na gagawin ni Claudine sa Viva, si Wenn Deramas ang magiging director niya. First teleserye ng actress sa Kapamilya Network, si Direk Wenn ang kanyang director. Marami siyang natutuhan sa box-office director. Pagiging professional sa trabaho. Always on time sa set at kailangang inaral ang script pagdating sa set, para ready for take. Irespeto ang mga beteranong artista dahil malaki ang na-contribute nila sa movie industry.

Sa seryeng Mula Sa Puso, nahasa nang husto si Claudine sa mga heavy drama because of Direk Wenn. Pinigang maigi ni Direk ang acting ability ng actresss kung may ibubuga ito as an actress. Napatunayan ng versatile director na magaling na artista si Claudine. Naging number 1 sa rating ang nasabing soap. Nilampaso nito ang mga kasabayan nilang show. “Mabilis magtrabaho si Direk Wenn, sa isang araw nakaka-20 plus sequences kami. Magaling siyang director, kahit anong klaseng pelikula ang ipagawa mo sa kanya, nagiging blockbuster. Kaya nga box-office director siya.”

Kuwento pa ni Claudine, “Hindi masusukat ang pinagsamahan namin ni Direk Wenn. He’s really a true friend. Hindi ka niya iiwan sa laban. Alam naman ninyo ang pinagdadaanan ko, nand’yan si Direk Wenn, he always support me. Hindi man kami nagkikita sa ngayon, nagkakausap lang thru cell phone, hindi mawawala ‘yung friendship na mayroon kami. Sa totoo lang, may magic ang tandem namin ni Direk Wenn. I love him very much. Napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal bilang kaibigan. Nand’yan siya to guide me, to support me all the way…”

Excited si Claudine sa pagbabalik tambalan nila ni Direk Wenn. Suppose to be next year pa sana sila gagawa ng pelikula kaya lang maraming trial ang dumating sa buhay ng actress. Binigyan muna ng priority ng controversial actress ang kanyang pamilya. Buong tapang nitong hinarap ang hamon ng buhay para sa kanyang mga anak. Right now, ready na si Claudine makapagsimula muli para sa panibagong kabanata ng kanyang showbiz career.

 

 AFTER NANG interbyu kay Claudine Barretto, pinasyalan namin si Wenn Deramas sa set ng kanyang teleseryeng Flordeliza somewhere in Fairview. Natuwa ang box-office director nang malaman niyang nagpaunlak magpainterbyu ang actress para sa bio-book nito. Hindi makukumpleto ang istorya ni Direk Wenn kung walang Claudine Barretto dahil first baby niya sa showbiz si CB.

Naitsika namin kay Direk Wenn na pumayat na si Claudine at gusto na siyang makatrabaho nito. Say niya,”Kailangang makausap ko na si Boss Vic del Rosario para sa movie namin. Gusto ko Claudine-Derek Ramsay, sana makuha ng Viva si Derek, 12 to 14 shooting days lang ‘yun. Gagawin ko muna ‘yung movie ni Pokwang at Richard Yap sa Star Cinema, and then puwede ko nang simulan ‘yung sa amin ni Claudine. Next month, magsisimula na akong mag-shooting kaya nag-a-advance taping ako ng Flordeliza.”

Four movies ang gagawin ni Direk Wenn for this year, dalawang Vice Ganda, Claudine, at Pokwang. Nagpaplano rin siyang mag-produce ng pelikula. Kung hindi kakayanin ng kanyang hectic schedule, maybe next year na niya gawin ito. Ready na ang story material, casting na lang ang kulang. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield