COME ON GUYS, IT’S 2018! Maine Mendoza at Nadine Lustre, patuloy lang sa pangangabog sa internet

ADVERTISING
COME ON GUYS, IT’S 2018! Maine Mendoza at Nadine Lustre, patuloy lang sa pangangabog sa internet
Nadine Lustre and Maine Mendoza

HINDI NATIN MADEDENY na among the young female stars sa Pinas, sina Maine Mendoza at Nadine Lustre ang tunay na mga fearless at unapologetic. Kung ang mga kasabayan nila tulad nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano ay pa-wholesome ang image at hesitant magpost ng kanilang beach photos, ibahin niyo ang dalawang bida natin.

Naging controversial si Maine last year nang lumabas ang balitang sila na raw ni Sef Cadayona at siya raw ang dahilan kung bakit kinalasan ni Andrea Torres ang kapwa Bubble Gang cast member. Inintriga ng ilang faney ang Instagram stories update na magkasama si Maine at Sef. Dahil dito, nagdeactivate ng Twitter ang phenomenal star at sa pagbabakasyon niya sa Maldives ay lalo nitong inasar ang mga inggitera sa pamamagitan ng pagpopost ng kanyang bikini pictures na talaga namang gumulantang ng sangkatauhan. Naglabas din ito ng libro na ‘Yup, I’m that Girl’ na isa sa best celebrity books na nabasa namin this year.

By the end of 2017 ay naging controversial ulit si Maine nang aminin nito sa publiko na wala silang ‘something’ ni Alden at they’re simply a loveteam. Basag ang trip ng ilang faneys na hoping na forever in real life ang AlDub. Napuno ‘ata si Maine sa pangbabash na natanggap niya dahil lang makita siya na kasama si Jake Ejercito, na good friend nila ni Alden. Kaloka!

COME ON GUYS, IT’S 2018! Maine Mendoza at Nadine Lustre, patuloy lang sa pangangabog sa internet
Maine Mendoza vs. Nadine Lustre: Who is the HOTTEST star?

Si Nadine Lustre naman ay may ilang social media meltdowns caused by her bashers na walang sawa sa pagkukuda at pagpupuna tungkol sa kanya. Nar’yan ang ilang issue na kesyo may ibang nilalandi si James na common friend nila. Hindi napigilan ni Nadine ang sarili na sagutin ang mga netizens na mas may alam pa kaysa sa mga taong involved.

ADVERTISING

Naging usap-usapan din ang hindi pagconfirm o pagdeny ni Nadine sa isyung magka-live in sila ni James. “Come on guys, it’s 2017!” – ‘yan ang litanya niya na pinakatumatak sa amin.

Ilang beses din naintriga ang JaDine sa inconsistencies nila sa programang “It’s Showtime”. Wala rin silang ginawang pelikula this year, pero nakapagrelease naman ng bagong album ang boyfriend cum loveteam cum boyfie niya na si James at siya pa nga ang leading lady sa mga music videos nito. Productive pa rin sila, noh!

Both Maine and Nadine have upcoming projects this 2018 na siguradong pinananabikan na ng fans nila. Ang maganda sa dalawang dalagang ito ay hindi sila playing safe. Kahit nga siguro wala silang Alden at James ay kaya nilang magsurvive sa showbiz on their own.

Umpisa pa lang ng 2018 ay nangangabog na ang dalawa sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang sexy beach bods sa social media. Pak!

ADVERTISING