Coleen Garcia, “pasaway at matigas ang ulo” kaya tinanggal sa “It’s Showtime”

Coleen Garcia, "pasaway at matigas ang ulo" kaya tinanggal sa "It's Showtime"

Coleen Garcia, "pasaway at matigas ang ulo" kaya tinanggal sa "It's Showtime"Kumpirmdo na after her Christmas vacation with boyfriend Billy Crawford sa Africa, hindi na babalik sa noontime show na “It’s Showtime” si Coleen Garcia.

Sa pagkawala niya sa noontime show, mas magko-concentrate ang sexy star sa kanyang mga acting projects sa telebisyon at pelikula na siya diumano gusto ng Kapamilya management.

Sa katunayan, excited si Coleen Garcia sa kalalabasan ng pelikula niya with Piolo Pascual and Dawn Zuleta mula sa direksyon ni Gino Santos na siyang nagdirek ng launching movie niya na “Ex With Benefits” that made her the next sex symbol ng pelikulang Pilipino sa bagong henerasyon.

Sa katunayan, both her showbiz and personal life are ok. Sa isang TV interview kay Coleen sabi niya tungkol sa lovelife niya kay Billy: “I know I’m ending up with Billy. Pero siguro, huwag munang magpakasal this year. We talk about it naman, eh. I know it’s going to happen, just not yet.”

Pero may nakapagbulong sa amin na isang insider, hindi totoo ang dahlilan ni Coleen kung bakit siya huminto sa pagho-host sa “It’s Showtime“.

Ang tunay na dahilan na kinu-cover up na lang nila ay ang pagpupumilit na magbakasyon siya nang napakatagal (with Billy) gayong hindi siya pinayagan ng production. Pangalawa, ang pangako niya na bumalik on a said date from her vacation ay hindi din nito tinupad.

In short, sabi ng production insider sa amin, “pasaway siya at matigas ang ulo niya,” kuwento ng source namin.

Pero kung kapalit naman ng noontime show ay isang project tulad ng pelikulang pagsasamahan nila nina Dawn at Piolo for Star Cinema, not all stars ay nagkakaroon ng chance na makagawa ng ganitong mga project.

Reyted K
By RK VillaCorta