Coleen Garcia, natatakot pagsawaan ng publiko ang kaseksihan

ADVERTISING

Coleen Garcia, natatakot pagsawaan ng publiko ang kaseksihan

Coleen-GarciaPINATUNAYAN NGAYON ni Coleen Garcia ang pagiging actress niya sa pelikulang Ex With Benefits with Derek Ramsay. Box-office success, more than P150 million na ang kinita nito on it’s 2nd week of showing here and abroad. “The Sexy Drama Box-Office Star” ang bansag ngayon kay Coleen. “Kasi wala naman akong pinatunayan dati. It is good that now I’ve been mentioned already, recognized rather than tsismis. It is good because I have a sense of focus. That fulfillment drives me to become even better than now. Ang sarap ng feeling… It’s such an honor, pinaghirapan ko ‘yung project. Pero ngayon, parang nawala lahat ‘yung feeling ng pagod, nawala ‘yung feeling ng puyat. Kasi now, I feel now, everything amounting to this, it’s really worth it. Overwhelmed pa rin ako kapag nakaririnig ako ng positive comments, kinikilig pa rin ako. Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng tiwalang ibinigay sa akin, especially ng Star Cinema,” turan niya.

ADVERTISING

Okay naman kay Coleen kung may sexy scene uli siya sa mga susunod niyang project. Paliwanag niya, “Siguro if the role requires it. I actually prefer na ibang project naman, ‘di ba? Depende rin suguro sa character na ipo-portray mo. Gusto ko paglabas ng mga tao sa sinehan, hindi ‘yung sexy scene ang nasa isip nila kung hindi ‘yung story, ‘yung acting. Sa pagbasa ko naman sa mga reviews, ‘yung naman ang naramdaman ng mga taong nanood. Okay naman, ayaw ko ‘yung puro kaseksihan lang, maganda ‘yung story, maganda ‘yung character, worth it talaga ‘yung project. I think naman na may mga times na hindi, kasi not every role requires it. Ayaw ko namang magsawa ang mga tao na palagi na lang sexy. I want actually to prove that I can do more than that hopefully.”

Alanganin si Coleen kung tatanggapin niya o hindi If ever kailangang may nudity siya sa pelikula. “Hindi ko alam kung kaya. Hindi ko kaya ang nudity, may mga limitation naman ako. Kapag nand’yan na, malalaman ko rin kung ano ‘yung limitation ko. Kung ano pa ‘yung kayang i-push. Kung hanggang saan ba talaga…” pahayag ng young actress.

Ikinuwento ni Coleen sa get-together with the press na magkasama silang nanood ni Billy Crawford ng premiere night ng Ex With Benefits. Siyempre expected na ng dalagang mag-comment ang boyfriend sa passionate love scene nito with Derek. “Before he said anything to me, ang unang sinabi niya, ‘I’m proud of you.’ Tumakbo siya papunta sa akin dahil nandu’n siya sa bandang likod. Sabi ko sa kanya, huwag ka na lang um-attend, kasi parang napi-pressure ako. Natatakot ako, kasi I got scared when I watched. Hindi ko gaanong pinapanood ang sarili ko, lalo na ‘yung one room and everybody’s watching, nakakakaba siya.”

ADVERTISING

Comment ni Coleen sa statement ni Billy gusto na nitong pakasalan ang girlfriend. “Hindi pa naman. Siyempre gusto ko siyang pakasalan. I wouldn’t be with anybody unless I actually plan to be with that person forever. Si Billy naman naiintindihan din niya ako na ang dami kong dapat tapusin sa buhay ko. I actually want to finish what I started and I feel so good right now this year, this month.”

Marami ang nagsasabing very much in love daw si Billy kay Coleen. Handa namang maghintay ang singer-actor kung kailan ready ang dalaga. Say ng box-office star, “Hindi naman, I think love is expressed in different ways. Si Billy kasi, sobra-sobrang vocal, iba ‘yung pagka-vocal namin. I think, may pagkapantay naman ‘yung love namin sa isa’t isa.

“Mas okay namang maghintay ‘yung boy kaysa ‘yung girl, kasi ‘yung mga lalaki naman, habang patanda nang patanda, pa-prime nang pa-prime, ‘di ba? I think for us, age is just a number. Siya naman ang lalaki, wala namang mawawala sa kanya. Ang mahirap kung ako ang mas matanda sa kanya, mahirap na kunwari gusto ko nang magka-baby. He’s still waiting for me… I’m 23 this September 24.” Ayon kay Coleen, may nakahanda nang birthday gift si Billy para sa kanya.

Sa relasyong Coleen at Billy, mas patience raw ang singer/TVhost kaysa sa dalaga. Kahit gusto ng dalaga makatrabaho ang boyfriend sa movie parang mahirap daw para sa kanya. “Oo naman pero mahirap, akala lang ninyo madali, pero sobrang mahirap. Minsan nag-Showtime Special kami, kaunting scene lang naman, may fight scene kami. Ang hirap kapag boyfriend ko ang kaeksena sa fight scene. Hindi naman kami nagpa-fight ng ganun, challenging.”

Ngayong nag-level up na ang career ni Coleen as an actress, maraming artista ang gusto niyang makatrabaho. “Like Angel Locsin, John Lloyd Cruz, Coco Martin. Ang dami, I feel, I can learn from so many people. Hindi ko inaakala na makatatrabaho ko and I learn so much from them. I think, I’m open naman to working with so many people, kasi I can learn from everyone.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING