Coleen Garcia, na-enjoy na rin ang paggawa ng comedy movie

ADVERTISING

Coleen Garcia, na-enjoy na rin ang paggawa ng comedy movie

Coleen Garcia
Coleen Garcia

Aliw ang mga kikay na sina Jessy Mendiola, Coleen Garcia, at Arci Muñoz nang magsama-sama sila sa isang pelikula.

Yes, sa unang salvo sa 2017, ang tatlo ang mga pangunahing artista na magpapainit sa wide screen sa unang pelikula ng Star Cinema for the Year of the Rooster na “Extra Service” sa direksyon ni Chris Martinez.

Nang i-offer kay Coleen ang project, nagdalawang-isip siya dahil hindi niya forte ang action-comedy. “When I learned that it’s Direk Chris directing the film, napa-oo ako. I like to work with him kasi,” kuwento ng dalaga.

After finishing the movie, na-enjoy niya ang pelikula. It’s fun doing it with friends. Beside, si Direk Chris, cool na cool, chill lang. Walang tension sa set,” sabi niya.

ADVERTISING

Isang sexy-action-adventure ang pelikula na silang tatlong mga bida ay nagwo-work sa isang massage spa na mga ex-convict ang karakter na naging secret agent na may special assignment.

Sa trailer, aliw ang  tatlong girls. Si Coleen, dahil sa kakengkoyan ng mga kasama, natuto na rin ng kanyang timing pagdating sa comedy.

After doing “Extra Service” ay interesado ang dalaga na gumawa pa rin ng pelikulang comedy.

“Enjoy kasi,” sabi niya. 

Sa pelikula, sahog ang mga lalaking sina EJ Falcon, Vin Abrenica, at Enzo Pineda.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING