Coleen Garcia, magagawang makipaghiwalay kay Billy Crawford sa ngalan ng pag-aartista

ADVERTISING

Coleen Garcia, magagawang makipaghiwalay kay Billy Crawford sa ngalan ng pag-aartista

Coleen Garcia, magagawang makipaghiwalay kay Billy Crawford sa ngalan ng pag-aartistaDahil sa matinding pangarap na maging sikat na actress ni Coleen Garcia, magagawa niyang makipaghiwalay sa boyfriend na si Billy Crawford.

Kaya pala hindi apektado si Coleen sa pagkawala sa “It’s Showtime ay naka-concentrate siya sa pag-arte.

Hindi naman itinanggi ni Coleen Garcia na si Billy ang lalaking gusto niyang makasama sa pagtanda, pero not this time daw na nabibigyan na siya ng project na ipamalas ang kanyang galing sa pag-arte.

Kung yayain nga raw ng kasal ni Billy Crawford si Coleen ay hindi raw mangyayari at hindi raw papayag ang huli dahil sa pangarap na makilala bilang isang mahusay na actress.

ADVERTISING

Pero naniniwala rin daw si Coleen na hindi mangyayari na yayain siyang pakasal ni Billy, dahil alam daw ng boyfriend niya na pangarap niyang makilala bilang isang magaling na artista.

Ngayon lang daw natutupad ang pangarap niya magmula nang bigyan ng challenging role at sana raw ay magtuluy-tuloy ang pagbibigay sa kanya ng project.

Sa ganda at napakaseksing katawan ni Coleen, siguradong pasado siya sa panlasa ng mga Pinoy, partikular ng mga barako.

Ang tanong ay kung pasado rin kaya siya pagdating sa acting?

Sa mga nagtatanong kung dumating ang panahon na magselos si Billy sa mga project na ginagawa niya na kailangang magpaseksi at makipaglampungan sa ka-partner na actor, at biglang magdesisyon si Billy na makipagkalas sa kanya, wala raw siyang magagawa kundi tanggapin nang maluwag sa dibdib. Pero solid daw ang kanilang pagmamahalan ni Billy, kaya malabo raw silang magkaroon ng problema.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING