Coleen Garcia, ini-enjoy lang si Billy Crawford, pero ‘di pa raw niya boyfriend

ADVERTISING

Coleen Garcia, ini-enjoy lang si Billy Crawford, pero ‘di pa raw niya boyfriend

Billy-Crawford-Coleen-GarciaSA PANAYAM ng Pep.ph kay Coleen Garcia, klinaro ng TV host na hindi pa talaga sila ni Billy at sa ngayon ay ine-enjoy muna nila ang company ng bawa’t isa.

Magkasamang dumating sa nakaraang birthday celebration ni Raymond Gutierrez, dito ay ipinaliwang  ni Coleen na hindi talaga siya ang third party involved sa hiwalayang Nikki Gil at Billy Crawford. Dahil kung siya, sana ay matagal na silang dalawa nito.

Aminado rin na nu’ng una ay natakot na ipagpatuloy ang kung anumang espesyal na namamagitan sa kanila ng TV host/actor dahil sa maaaring sabihin ng ibang tao, pero kalaunan ay naisip niya na hind kasalanan ni Billy ang mga nangyari.

At ngayong taong 2014, isa sa sa New Year’s resolution ni Coleen ay to keep moving forward at kung anuman ang ‘di magandang nangyari sa nakaraan ay kalimutan na ito at magpatuloy sa buhay.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING