Coleen Garcia, hinayaang magpaka-daring ni Billy Crawford

Coleen Garcia, hinayaang magpaka-daring ni Billy Crawford

Billy-Crawford-Coleen-GarciaWALANG KASO para kay Billy Crawford kung daring man ang kasintahang si Coleen Garcia sa pelikula nitong #Y na palabas na sa Miyerkules (Dec. 10).
“Actually, nanibago siya nu’ng una, tinanong pa nga niya ako kung sure ba ako na tatanggapin ko ‘yung movie, tapos after naman niyang mapanood ‘yung film, masaya siya. Siya ‘yung first to congrulate me and he was the first to let me know how I did, and he’s very honest. So, I trust his opinion,” kuwento ng It’s Showtime host.
Hindi ba niya hiningan ng opinion si Billy on how to portray her role bilang isang “liberated” girl sa movie?
“Nahihiaya ako, eh. ‘Pag si Billy nahihiya na ako. I don’t ask for advice. Saka mas generation ko ‘yon, eh (laughs). Iba ‘yung generation ni Billy.
“Sa movie kasi, ‘yung character ko, may mga ginagawa siya na never ko pang ginawa before. So, I asked the people who do it. ‘Di ba? ‘Yon lang ‘yon,” natatawa niyang kuwento.
Kasama ni Coleen sa pelikula sina Elmo Magalona, Sophie Albert, Chynna Ortaleza na first tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN during #Y’s presscon.

La Boka
by Leo Bukas