Coleen Garcia bitbit si Baby Amari sa lock-in shooting ng Adarna Gang

Leo Bukas

BITBIT ni Coleen Garcia sa lock-in shooting ng Adarna Gang ang anak nila ni Billy Crawford na si Baby Amari. Ang Adarna Gang ng Viva Films ang comeback movie ni Coleen pagkatapos niyang magpakasal kay Billy at ipanganak ang kanilang panganay noong Septembsr 2020. September, 2020,

Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay bini-breastfeed pa rin niya si Baby Amari kaya minabuti niyang isama ito sa tinutuluyang hotel na malapit sa location ng Adarna Gang para kahit nagtatrabaho siya ay mapapadede pa rin niya ang  anak.

Coleen Garcia bitbit si Baby Amari sa lock-in shooting ng Adarna Gang
Coleen Garcia in Adarna Gang / Coleen with Baby Amari

“Nag-shooting kami sa isang place na zero talaga yung COVID-19 cases. Ito pa yung time na puwede nang lumabas yung mga bata. “Si Amari, hindi siya nakaapak sa set pero kasama ko siya sa hotel. He stayed with us sa hotel room, nandoon lang siya. He never left.

“I felt safe kasi hanggang ngayon, breastfeeding pa rin kasi ako, so every time he needs  me, I’m really there for him,” kuwento ni Coleen.

Sabi pa niya, “We worked so efficiently, hindi kami napa-pack up nang sobrang late so I’m able to come back to him.

“If ganito naman yung working conditions, I don’t mind working all the time. But, of course, Amari is always going to be a priority for me.”

Inamin din ni Coleen na medyo na-intimidate siya sa mga co-stars niya sa Adarna Gang dahil nga matagal siyang hindi sumabak sa aktingan. Ang gagaling daw nina Ronnie Lazaro, Mark Anthony Fernandez, Jay Manalo, JC Santos, at Diego Loyzaga.

“Ang pagiging aktor kasi siyempre magkakaibang techniques, magkakaibang ways of getting the emotion out and for me, I had to figure that out all over again. Para sa akin, yun siguro ang naging pinaka-challenge pero mas nakaka-pressure lang talaga because I was surrounded by really good actors.

“And not only that, lahat talaga sila, active. Lahat sila may recent project and everything so parang talagang na-intimidate ako noong una. But it’s a good thing na hindi sila intimidating people. Parang very approachable pa rin.

“At the end of the day, very nice, and we’re just all laughing and enjoying the entire time na nagsu-shoot kami and that was a huge help talaga,” aniya pa.

 

Previous articleHeart Evangelista bilib sa porma ni Robredo sa CNN debate
Next articleElla Cruz sinampal at tinawag na laos ng kaklase