Coleen Garcia, binabanatan dahil sa nasisanteng waiter

Coleen Garcia, binabanatan dahil sa nasisanteng waiter

Coleen-GarciaSI COLEEN Garcia ang pinutukan nang masisante ang isang food server dahil sa complaint ng kanyang lola.

Lumabas sa isang popular website ang hinaing ng isang waiter nang masisante siya dahil nagreklamo ang grandmom ni Coleen at sinabi sa manager ng resto na rude daw siya. Apparently, kinampihan ng management ang lola ni Coleen kaya sinisante nila ang pobreng waiter.

Sa kanyang social media account na na-publish ay pinatutsadahan ng waiter si Coleen at ang lola nito. Sinabi nitong sana ay masaya na ang dalawa na nawalan siya ng trabaho dahil sa kanilang reklamo. The waiter stressed that he was never rude.

Anyway, bumuwelta ang mga tao sa social media and bashed Coleen.

“kudos to this guy pero mali yung mngt.na tanggalin agad sa work dahik sa isang complain..napasii lang sa sexyserye mas yumabang ata tong si Coleen,well bagay nga kau ni Billy.hamb*g”

“Tsk, tsk, tsk, ayan sa ganyang paraan, sikat ka na, Coleen! Haiiiiiist! Tumulad ka Coleen sa mga tunay na reyna sa network mo. Humble sila at di feel na sila ay celebrity.”

“gawing trending to! nakakairita ang starlet na ito! naging jowa lng c billy akala mo kung sino na! sana maging viral to para mabuking cya sa publiko.”

Ilan lang ‘yan sa mga tirade kay Coleen.

Depense naman ng isa kay Coleen, “Akala ko ba lola ni Coleen yung nagcomplain, bat c Coleen yung tinitirada mo? I think Coleen’s lola should air her version of the story and the management should explain why he was terminated. Hindi naman po kasi nagsisisante nang empleyado ang isang management if they believe na walang kasalanan yung employee nila. They might transfer him in the kitchen or dishwashing area but not immediate termination, unless naka ilang warning na yung employee. Just my cent.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas