Coleen Garcia balik-acting sa ‘Adarna Gang’ ng Vivamax

Leo Bukas

BACK TO ACTING na ulit si Coleen Garcia pagkatapos ng pansamantalang pamamahinga niya sa showbiz after magpakasal kay Billy Crawford at maging isa mom.  Mapapanood si Coleen sa action-drama movie ng Vivamax na Adarna Gang directed by internationally acclaimed film maker na si Jon Red.

Ayon kay Coleen nahirapan siyang mag-decide kung babalik siya agad sa pag-arte dahil one year old  pa lang ang first baby nila ni Billy na si Amari.

Coleen Garcia balik-acting sa ‘Adarna Gang’ ng Vivamax
Coleen Garcia

Ani Coleen, “Before this, I was telling myself, ikakasal na ako at magkaka-baby na ako, siguro kailangang piliin ang mga roles.

“Sobrang tagal ko nang hindi gumawa ng pelikula, not just because of having the baby, but also because of the pandemic. Sa tagal kong nawala, sobrang na-miss ko at excited ako to be back and be part of really good stories.”

Inamin din ng aktres na binalak niya noon na magkaroon ng restrictions sa role o sa pelikulang gagawin dahil nga mom na siya pero nag-iba raw ang isip niya.

“What I said before na hindi ko gagawin, I gave myself restrictions.

“I am more willing to give what is needed for me to every story that I will be taking on. Yes, I will still carefully choose the roles because I don’t want to be a part of something that I will not be all in. Dapat kung pipili ng project, todo bigay talaga. I have to pick the projects I believe in, para mabigay ko lahat,” katwiran pa niya.

Kasama ni Coleen sa Adarna Gang ang magagaling na aktor tulad nina Mark Antony Fernandez, JC Santos, Ronnie Lazaro at iba pa kaya Raw hindi maiwasang medyo na-intimidate siya sa mga co-stars niya.

Pag-amin ng aktres, “Ang tagal ko kasing nagpahinga. Ang puro alam ko lang magluto, mag-change ng diapers. Nakalimutan ko kung paano ang gagawin ko in front of the camera.

“If the role was emotional, nakalimutan ko how to be emotional. Nakalimutan ko kung paano maging malungkot o kung paano magalit. Those were all things that refreshed me again at kailangan kong hukayin sa sarili ko. I think that was very challenging for me.

“Wala akong naging warm-up. I really had to go back into acting to just prepare from home. Then, when I arrived on the set to just give everything I had. Talagang hindi ako confident at first. But direk always listened to me. I told him what my plans were for certain scenes. That was very reassuring.”

Samantala, sa Adarna Gang ay gaganap si Coleen bilang Adriana na maghihiganti sa pagkamatay ng kanyang tatay. Mapapanood ang pelikula sa Vivamax on March 11.