Coleen Garcia, bagong box-office star ng Star Cinema

ADVERTISING

Coleen Garcia, bagong box-office star ng Star Cinema

Coleen-GarciaKUMITA NA ng mahigit na P100 million ang Ex With Benefits na launching movie ni Coleen Garcia sa Star Cinema. In fact, patuloy pa ring palabas ang pelikula sa ilang sinehan.

ADVERTISING

Si Coleen ay contract star ng Star Magic kaya exclusive din siya sa Star Cinema. Dahil sa success ng Ex With Benefits, nagkaroon ng bagong box-office star ang Star Cinema. No need for them to co-prod with Viva Films kapag gagawa sila ng film na sexy ang tema kasi meron na silang Coleen.

Isa sa super proud sa achievement ngayon ni Coleen ay ang boyfriend na si Billy Crawford. Napaka-understanding pala ni Billy kaya mahal na mahal ito ni Coleen.

When asked kung papayag ba ulit siyang maging daring sa susunod niyang project, ang sagot niya, “Well, it depends, if the story really calls for it, why not?”

ADVERTISING

Meron nang susunod na movie si Coleen sa Star Cinema at anytime soon ay magkakaroon na sila ng story conference. Next year daw ito ipalalabas.

“I want to keep stepping outside my comfort zone. I want to keep doing things that are different, hindi ‘yung mali-limit lang ako sa isang bagay,” pahayag ng dalaga kung anong klaseng role ang kanyang gagawin sa susunod na pelikula.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING