Coleen Garcia, ayaw papanoorin si Billy Crawford ng pelikula nila ni Derek Ramsay

Coleen-GarciaKUNG SI Coleen Garcia din lang ang masusunod, ayaw niyang panoorin ng boyfriend niyang si Billy Crawford ng pelikulang Ex With Benefits na showing na come September 2. Una na’t baka maasiwa ang BF na super seloso, ayon sa dalaga. “But he’s seloso naman wth reasons,” pagdedepensa ni Coleen.

Very hot daw kasi ang mga eskena ng dalaga at ng leading man niyang si Derek Ramsay sa pelikulang inidirek ni Gino Santos, na una naming napansin sa kanyang pelikulang Animal at #Y na very bagets ang appeal.

Sa pelikula, ang daming love scenes nina Coleen at Derek na puwedeng ika-insecure ni Billy. “I think its three or four sexy scenes. But hindi po ako nagpakita ng sensitive parts ng body ko. Just bare back ang scenes namin ni Derek,” sabi ng dalaga sa amin who was so sweet in explaining to us her first daring role sa kanyang showbiz career.

Katunayan, nauna raw muna niyang ginawa ang mga eksena with her leading man na sinundan lang kamakailan ng pag-uusap nilang mag-boyfriend para i-explain niya. “I explained to him kung ano po ‘yong mga scenes namin step by step. He asked me questions one at a time and I answered it in details,” paliwanag ni Coleen.

Ang nakatatakot nito, iba kasi ang paliwanag lang. Mas madaling maintindihan. Pero iba pa rin kapag nakikita mo na ang girlfriend mo ay nakikipaghalikan (lips to lips) at nakikipaglampungan in bed with another man. Unless manhid si Billy, hindi siya maaapektuhan, oks lang ang mga eksena na pinaggagawa ng GF sa pelikula.

Pero si Billy, tao rin ‘yan. Naaapektuhan. Basta bahala na si Batman sa magiging kahihinatnan nilang dalawa kapag napanood na ni Billy ang hot love scenes ni Coleen with Derek.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJason Abalos, may kumakalat na sex video scandal
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 103 August 24 – 25, 2015

No posts to display