Coleen Garcia, ayaw maikumpara kay Anne Curtis

ADVERTISING

Coleen Garcia, ayaw maikumpara kay Anne Curtis

Coleen-Garcia-Anne-CurtisMAY FOLLOW-UP movie project na si Coleen Garcia dahil sa tagumpay raw ng Ex With Benefits at ito ay kinumpirma ng Star Cinema executive na si Mico del Rosario. Inaayos na raw ang second starrer ni Coleen at dalawang actor daw ang makapapareha ng actress sa movie. Hindi pa masabi ang ibang detalye dahil hindi pa raw tapos ang final casting.

ADVERTISING

Maging si Coleen, walang masabi dahil hindi pa raw sinasabi sa kanya ang susunod na movie project, pero hindi raw niya itatanggi na super excited na siya ngayon pa lang.

Hindi rin nagpaliguy-ligoy pa si Coleen na gusto niyang makasama sa isang pelikula ang boyfriend na si Billy Crawford, pero hindi raw madali. Nahirapan daw siya kasi noong gumawa sila ng It’s Showtime Lenten Special na magdyowa sila. Kahit daw hindi gaanong mahaba ang eksena nila ay nahirapan siya dahil may fight scene sila. Eh, sa totoong buhay ay hindi naman daw sila nag-aaway na magdyowa. Ang hirap daw talaga at sobrang challenging kapag magkasama kayo ng boyfriend mo sa isang movie project.

Samantala, ayaw raw ni Coleen na maikumpara kay Anne Curtis, dahil marami na raw napatunayan si Anne, samantalang siya ay ngayon pa lang nagsisimula.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING