Coleen Garcia at Gab Valenciano, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon!

ADVERTISING

Coleen Garcia at Gab Valenciano, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon!

Coleen Garcia at Gab Valenciano, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon!SA PAG-ALIS ng bansa ni Gab Valenciano noong nakaraang March 25 para tapusin ang 2 taon na music course niya sa Orlando,Florida, tuluyan na ring natuldukan ang relasyon nila ng ex-girlfriend na si Coleen Garcia. Sa interview namin kay Coleen para sa Cinema News, kinumpirma niya sa amin na mag-iisang buwan bago pa man umalis ng bansa si Gab ay nagkakalabuan na silang dalawa.

Ang pressure ng pag-alis ni Gab ang rason na nu’ng una ay nasa state of denial pa silang dalawa, pero habang nalalapit ang pag-alis nito ay nakikita nila ang reyalidad na mahihiwalay sila sa loob nang matagal na panahon at dito ay maraming puwedeng mangyari sa kanilang mga career at sa mga bagong tao na maaaring makatagpo nila.

Sa nakaraang interview namin kay Gab, kung saan maayos pa ang relasyon nila noon ni Coleen ay nabanggit nito na susunod sa kanya si Coleen at mag-aaral doon.

Ayon sa aktres, binalanse niya ang lahat at sa bandang huli ay na-realize niya na may pamilya siya na nagmamahal sa kanya, nandiyan ang ABS-CBN na nagtitiwala at nagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto. At tulad ni Gab na lumipad pa-Amerika para tuparin ang pangarap nito, alam din niya na dapat na abutin niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

ADVERTISING

Nang tanungin namin kung bukas na ba siya ngayon sa bagong pag-ibig, ayon kay Coleen ay walang makakapagsabi kung kailan darating ang tunay na pag-ibig sa kahit na sinuman. Pero siya mismo ang magdedesisyon na maghihintay siya ng tamang oras kung kailan nagampanan na niya ang lahat ng kaniyang responsibilidad at dapat gawin, at ‘pag handa na talaga siya sa isang seryosohang relasyon, doon na siya papasok sa isang commitment .

 

FINALLY AY nauwi na rin sa pagbabati ang alitan sa pagitan na magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes pagkatapos ng halos isang taon ding itinakbo ng ‘di nila pagkakaunawaan na umabot nauwi pa nga ng pagsampa ng kaso ni Ara laban sa nakakabatang kapatid.

Nangyari ang nasabing pagbabati noong Biyernes Santo, kung saan balitang humingi muli ng tawad si Cristine kay Ara at dito ay naramdaman na ng huli ang sinseridad ng kapatid.

Naglabasan sa tweets ng magkapatid ang mga larawan na magkasama silang dalawa, kasama ang kanilang pamilya pati na rin ang kuha ng bulaklak na binigay ng kapatid na lalaki nila ni Ara na humihingi naman ng tawad kay AA. Kuha ng isang masaya at buong pamilya, patunay lamang ito na mas matimbang talaga ang dugo kaysa sa tubig at walang problemang pampamilya na hindi mareresolba basta magbubukas ng puso ang bawat isa para humingi ng tawad at magpatawad din naman.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING