Coco Martin and Yassi Pressman: Primetime Bida’s Ideal Couple!

ADVERTISING

Coco Martin and Yassi Pressman: Primetime Bida's Ideal Couple!COCO MARTIN
Real Name: Rodel Pacheco Nacianceno
Birthdate: November 1, 1981
Zodiac Sign: Scorpio

YASSI PRESSMAN
Real Name: Yasmin Isabel Yasto-Pressman
Birthdate: May 11, 1995
Zodiac Sign: Taurus

SA TINAGAL-TAGAL NG itinakbo ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, mukhang ngayon lang ito nag-stick sa iisang leading lady. From Bela Padilla, Maja Salvador and Anne Curtis, mukhang si Yassi Pressman na bilang Alyana ang talagang forever ni Cardo sa programa. Sa katunayan, CocoYass na nga ang pangalan ng tambalan nila at bongga ang naging wedding scene nila. Kinikilig din ang mga televiewers sa ideal family bonding nila sa show.

Dahil dyan, nakakatanggap dumano ng maraming hate messages si Yassi mula sa fans ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes. Ibig sabihin lang ay threatened sila!

Let us now consult the stars kung may dapat ngang ipangamba ang CocoJul fandom sa primetime couple na CocoYass:

ADVERTISING

Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.

Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!

Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!

Ayun pala naman… mukhang dapat ngang ma-threatened ang kabilang kampo! Well, Yassi is reportedly single at wala naman inaamin si Coco kung may dyowa ba talaga siya o ano. Whatever the answer is, CocoYass is ABS-CBN’s Primetime ideal Mommy and Daddy!

Pares-Pares

By Madam DaminCoco Martin and Yassi Pressman: Primetime Bida's Ideal Couple!

ADVERTISING