Coco Martin, walang kapaguran

Coco Martin, walang kapaguran

Coco-MartinPARANG WALANG kaaguran yata itong si Coco Martin. Ngayong kumita nang husto sa box-office ang pelikula nila ni Toni Gonzaga na You’re My Boss from Star Cinema at tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang mini-serye (for 3 months) na Wansapanataym: Yamishita’s Treasures with lady love Julia Montes, heto’t tinatapos ng aktor ang isang special episode ng MMK where he plays a soldier.

Kung hindi ako nagkakamali, kuwento ng isa sa mga SAF 44 ang ipo-portray ni Coco na tila walang kapagud-pagod sa pagta-trabaho. Pero not a bad habit na masanay siya na maagang nagigising para mag-taping at magtrabaho.

Ngayon, alam ko na kung bakit walang lovelife si Coco at puro palipad-hangin lang ang alam para magparamdam kay Julia ay dahil saan pa nga ba isisingit ni Coco ang panliligaw? Baka nga wala na itong time makipag-dinner, mag-emote sa nililigawan niya gayong matapos ang araw-araw na shooting bago ang Holy Week, tapings naman ang inaatupag niya.

Reyted K
By RK VillaCorta