Coco Martin, walang balak agawin si Kim Chiu kay Xian Lim

ADVERTISING

Coco Martin, walang balak agawin si Kim Chiu kay Xian Lim

Coco-MartinCoco-MartinSA MGA fans ni Kim Chiu at Xian Lim, do not panic kahit sa pagkakataong ito, sina Kim at si Coco Martin muna ang mapapanood ninyo sa telebisyon na nagmamahalan sa bagong teleserye ng Kapamilya Network na Ikaw Lamang na magsisimula na sa March 10.

This time, mapapasubo sa seryosohang acting si Kim na dati-rati’y sa mga romance at light drama lang naisasalang ang dalaga kung saan sa mga ganitong klase ng teleserye ay nabuo ang tambalan nila ni Xian Lim.

Si Coco, excited na makasama muli si Kim na dalawang beses na rin naman nakasama ng aktor sa teleseryeng Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo.

But no fear para sa KimXi fans dahil wala sa peg ni Coco na aagawin ng aktor ang dalaga sa ka-loveteam na si Xian. Baka puwede pa ma-revive ang minsang “love” ni Coco kay Julia kaysa kay Kim.

ADVERTISING

Based sa full trailer na napanood namin, tipong movie made for television ang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Hiring the best in the industry like Manny Morfe for the production design (detalyado ang mga abubot from the table cloth to the kubyertos); Eric Pineda for the costumes na ang forte ay ang dekada ‘70 at period designs at ang in-import pa ng DreamScape Entertainment sa kanyang retirement sa Palawan as the main make-up artist (one of the best during his time) na si Ruben Nazareth, iisipin mo na ang bagong teleserye nina Coco at Kim ay isang pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING