Coco Martin, walang angal sa non-primetime project

Coco Martin, walang angal sa non-primetime project

Coco-MartinWALANG ARTE itong si Coco Martin. Although he’s considered as ABS-CBN’s Primetime King ay wala siyang angal nang bigyan siya ng non-primetime project, ang Yamishita’s Treasures ng Wansapanataym na part ng magical summer campaign ng Dreamscape Entertainment Television.

“After Ikaw Lamang ay nag-rest muna ako sa TV at ginawa ko ‘yung Feng Shui 2. Habang naghihintay ako ng next teleserye ay in-offer nga sa ‘kin itong special project na pambata. Nang ilatag sa ‘kin ang concept ay nagustuhan ko kasi parang Indiana Jones at The Mummy. Sabi ko, maganda ‘yan, pero parang mas maganda na gawing full length teleserye. Pero ‘yun na nga, special treat lang daw to kids this summer, so nag-agree ako kasi reunited din kami rito ni Julia Montes after ng Ikaw Lamang,” chika ni Coco.

Fifteen si Julia nang magkatrabaho sila ni Coco at sinabi ng actor na nakita niya ang pag-bloom ng aktres.

“Fifteen pa lang siya noon, ang taba-taba pa niya, chubby-chubby pa siya, pero ngayon na dalagang-dalaga na siya ay ang ganda-ganda na niya,” say ni Coco.

Me hesitation pa si Coco na ligawan si Julia dahil bata pa ito at turning 20 pa lang. Basta, special friends lang sila for now.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas