Coco Martin, umaasang makagawa ulit ng teleserye

ADVERTISING

Coco Martin, umaasang makagawa ulit ng teleserye

Coco-MartinBIRTHDAY NI Coco Martin sa Nov. 1 at 10th annniversary rin niya sa showbiz ngayong October. May plano ang manager niyang si Biboy Arboleda na magdaos ng isang get together party bago matapos ang buwan.

Pagsasabayin na bale ang showbiz anniversary at birthday ni Coco, pero wala pang idea ang aktor kung ano ang mangyayari. Busy pa kasi siya sa ilang natitirang araw para sa taping ng Ikaw Lamang na mag-i-end na sa Friday, Oct. 24.

“‘Di ko pa alam kung anong plano ng manager ko. Baka surprise niya ‘yon sa akin. Hahaha!” kuwento pa ng aktor.

After Ikaw Lamang, balak muna sanang magbakasyon ni Coco kasama ang pamilya sa Boracay o Sagada na hindi pa niya nararating, pero kailangan na niyang magsyuting for Feng Shui 2.

ADVERTISING

“May target date na kasi. Pang-filmfest ‘yon kaya minamadali na para makahabol,” he said.

Samantala, wala pang binanggit si Coco tungkol sa susunod na teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN.

“Sana next year makagawa ulit ako. Sana may magandang istorya na babagay sa akin,” sambit pa ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING