Coco Martin-Toni Gonzaga movie, nangangamoy blockbuster

Coco Martin-Toni Gonzaga movie, nangangamoy blockbuster

Coco-Martin-Toni-GonzagaNAPAKAGANDA NG playdate na April 4 (Black Saturday) para sa pelikula nina Toni Gonzaga at Coco Martin na You’re My Boss na prinodyus ng Star Cinema sa direksyon ni Antoinette Jadaone. Ibig sabihin, wagi ang playdate ng Coco-Toni movie, huh!

Sa Black Saturday kasi ay nakauwi na ng Manila ang mga tao galing sa kani-kanilang bakasyon for Holy Week. At dahil init na init sila at na-miss ang mga palabas sa TV, diretso sila ng sinehan para manood.

Wala ring ibang kasabay na Tagalog movie ang You’re My Boss dahil siguro takot din silang sabayan ito kaya nangangamoy blockbuster ang first team-up movie nina Toni at Coco.

Malaking factor din na si Antoinette ang direktor ng pelikula na fresh pa from the success of That Thing Called Tadhana nina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Fresh din kasi ang idea ni Antoinette at hindi pa gasgas tulad ng ibang direktor.

Samantala, ratsada rin si Coco sa TV dahil meron siyang once a week fantasy series na Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na mapapanood tuwing Linggo ng gabi. Kasama niya naman dito ang favorite leading lady niya na si Julia Montes.

La Boka
by Leo Bukas