Coco Martin, todo-effort sa pelikula nila ni Toni Gonzaga

Coco Martin, todo-effort sa pelikula nila ni Toni Gonzaga

Toni-Gonzaga-Coco-MartinHINDI RAW masasayang ang ibabayad sa sinehan ng mga taong manonood ng You’re My Boss sa April 4 (Black Saturday). Ayon sa ilang masuwerteng napanood na ang pelikula in advance, tawang-tawa sila sa movie.

Kakaiba raw ang kombinasyon nina  Coco Martin at Toni Gonzaga at swak na swak ang kanilang unang pagtatambal. Nakipagsabayan din daw si Coco sa galing ni Toni sa pagko-comedy at hindi  halatang ngayon lang siya gumawa ng rom-com movie, huh!

“Sobrang nakaaaliw ang pelikula. Tawa kami nang tawa. Ang husay rin talaga ni Direk Antoinette Jadaone,” komento ng isang director-writer na nakausap namin.

Masaya naman si Coco sa feedback sa kanilang movie ni Toni. Umaasa siyang magugustuhan din ng moviegoers ang You’re My Boss.

“Nag-effort talaga ako sa pelikulang ito. Tinanggal ko ‘yung mabibigat na emosyon na dati kong ginagawa kaya nahirapan din ako, pero worth it naman kasi okey naman daw ang ginawa ko,” sey pa niya.

Napapanood din nga pala si Coco sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas