Coco Martin, tinalo na ni Marian Rivera

Coco Martin, tinalo na ni Marian Rivera

Coco-MartinTINALO NA ng soap ni Marian Rivera ang teleserye ni Coco Martin. That is if we base it on the recent AGB survey. Hindi naman masyadong malayo ang agwat ng ratings nila pero big news ito para sa Marianitas because it means a lot.

Sa mga nababasa naming comment sa social media, ang daming napapangitan sa storyline ng soap ni Coco. Bulok na raw kasi ang kuwentong rich girl meets poor man. Panahon pa raw ‘yon ni Mahoma. Saka, tantanan na raw ang gasgas na paggamit ng plot na laging kontrabida ang mga haciendero kapag napapaibig ang mga anak nila sa hampaslupa.

Isa pa, wala raw chemistry sina Coco at Kim. Parang magkapatid lang sila.

Ang saving factor na lang ng show ay ang magaling na pag-arte ng cast members.

So, NALALAOS  na ba ang LA FAVORITONG actor ng Dos?

 

NATATAWA NA lang kami sa panlalait ng netizens sa bagong soap ng ABS-CBN. Lait-to-the-max kasi ang inabot ng soap na pinagbibidahan nina JC de Vera, Ellen Adarna, Meg Imperial at isa pang guy na totally ay Da Who. Ang pintas ng marami sa social media ay walang star factor ang soap dahil pawang STARLETS to the highest order ang mga bida. Ang tamang term, kung ganoon nga ang tingin nila sa cast ng soap na ito, ay STARLET-STUDDED.

JC’s a never-been, parang sina Ellen at Meg din. Wala silang kadating-dating. All they have is sex appeal, ‘yun lang. Hindi rin sila matatawag na magaling na actors ng kanilang generation.

So, with that, ano pa ang ilalaban nila kundi paseksihan na lang. Diyan, diyan sila magaling!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas