Coco Martin, susulitin ang Holy Week para makabawi ng tulog

ADVERTISING

Coco Martin, susulitin ang Holy Week para makabawi ng tulog

Coco-MartinLAST DAY of work sa Wednesday ni Coco Martin. Makakapagpahinga na rin ang aktor matapos ang halos araw-araw niyang shooting para tapusin ang You’re My Boss na pelikula nila ni Toni Gonzaga na palabas na sa darating na Sabado de Gloria (April 4).

ADVERTISING

Simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, magtutulog lang at magpapahinga ang aktor. Hindi siya mag-a-abroad or magbe-beach para mabakasyon tulad ng ibang mga celerities natin.

“He needs rest. Magtutulog ‘yan,” text sa amin ng manager niyang si Biboy Arboleda.

Mabuti healty at matibay si Coco. Hindi nagkakasakit or nao-overfatigue lalo pa’t sabay niyang ginagawa ang post-Holy Week movie niya at ang Wansapanataym’s Yamishita’s Treasures nila ni Julia Montes na pumalo nang husto sa pilot episode nito two Sundays ago.

ADVERTISING

Sa Monday back to work na muli si Coco. At least, nakapagpahinga na siya at ganadong-ganado na magtrabaho muli.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING