Coco Martin, sumosyo kay Kris Aquino

Coco Martin, sumosyo kay Kris Aquino

Coco-MartinNAKAKALOKAH NAMAN pala si Coco Martin. To this day, 33 acting and recognition awards na ang kanyang naa-achieve! Wow! Bongga naman si Coco, ‘di ba?

Kaya nga ano pa ba ang mawi-wish ni Coco kundi, “Basta lagi lang sanang maayos ang family ko, at ang health nila, masaya na ako!”

Si Coco ang leading man ni Kris Aquino sa Feng Shui at aminado ang aktor na first time niya to do a movie with Kris (parang documentary kasi ang Noy noon na ang husay-husay rin ni Coco). “Eh, horror pa ‘to, kaya medyo nag-immerse muna ako sa character ko and sabi ko nga, si Ate Kris ang Horror Queen, so sa kanya lang talaga ako kumapit.”

Isiniwalat din ni Kris na may sosyo sa K Productions (co-prod ng Star Cinema) niya sina Coco at Direk Chito.

“Kaya ayokong mapahiya sa kanila. Gusto ko, maibalik ko ang pera nila nang doble, kaya sana talaga, you help us para maging box-office hit ang Feng Shui,” sabi ni Kris na nagpahabol pa ng, “Siyempre, pakisuportahan na rin ang ‘Praybeyt Benjamin’ dahil nandu’n naman ang anak ko,”

Maging sa pagpapa-raffle ay karakter si Kris, kaya tawa nang tawa ang mga press people.

Oh My G!
by Ogie Diaz