Coco Martin, sugar daddy ni Julia Montes?

Coco Martin, sugar daddy ni Julia Montes?

Coco-Martin-Julia-MontesALIW ANG latest tsismis tungkol kay Coco Martin, huh! Kay batam-batang “sugar daddy” naman ang peg ng aktor, na kami mismo natatawa sa kumakailat na balita sa social media.

Ang tsika, si Julia Montes ay binilhan ng residential lot ni Coco Martin na halos tatlong bloke lang ang layo mula sa kinatitirikan ng bago at magarang bahay na ipinatayo ng aktor para sa kanya, at kung saan pinatayuan din niya ang mga kapatid ng sarili nilang matitirahan sa loob ng mala-compound na property?

Wala masyadong detalye ang tsismis, kundi ang proximity lang ng lot na binili ni Coco para sa dalaga na leading lady niya sa Wansapanataym’s Yamishita’s Treasures na magsisimula na sa Linggo (March 22). Sa press launch kasi ng TV show, tameme lang ang aktor kapag si Julia na ang topic ng mga pang-uurirat sa kanya.

Sa press launch naman ng bagong pelikula ng aktor na You’re My Boss with Toni Gonzaga para sa Star Cinema, showing na sa Sabado de Gloria, April 4, hindi na namin naitanong sa kanya nang personal ang tsismis, dahil nagmamadali silang makabalik sa set ng shooting somewhere sa southern part ng Metro Manila noong gabing ‘yun.

Kailangan kasing matapos ni Direk Antoinette Jadaone ang pelikula by next week dahil pagpasok ng Holy Week, ang mga producton staffs at ang mga artista ay all set nang magbakasyon para sa Semana Santa.

Habang sinusulat naming ang kolum item na ito, iniisip ko na lang na ang social media, mapangahas, walang preno, at kadalasan sa hindi, pagdududahan mo ang mga kuwento lalo pa’t kahit sino, puwedeng gumawa ng bali-balita.

Hindi naman kasi fair para kay Julia na nagsusumikap na nagtatrabaho nang todo-todo para matupad ang mga pangarap sa buhay.

Reyted K
By RK VillaCorta