Coco Martin, si Sarah Geronimo lang pala ang hinihintay

ADVERTISING

Coco Martin, si Sarah Geronimo lang pala ang hinihintay

Sarah-Geronimo-Coco-MartinP60-M IN just 4 days, masama pa ba?
‘Yan ang total gross ng Maybe This Time hanggang Sabado nang gabi at ang projection dito ng Star Cinema ay malamang umakyat din ito hanggang P300M sa ending ng regular showing nito.
Aminado si Coco Martin na hindi gano’n kalakas ang nauna niyang dalawang pelikula niya with Angeline Quinto and Julia Montes pero dito ay pinatunayan niya na hindi lang pangteleserye ang dating niya.
Pero in fairness, hindi naman daw lugi ang mga movies niya noon.
Sinasabi ng iba na si Sarah Geronimo lang pala ang hinihintay na maka-partner ni Coco para magkaroon ng isang certified box-office hit, pero ayon kay Coco, “Ang ganda din kasi ng istorya ng movie saka tuwang-tuwa ako dahil pumayag ang Viva, si Sarah mismo at ‘yung parents niya na makasama ako ni Sarah.”
Saka in fairness, puring-puri ng mga tao ang akting dito ni Sarah, dahil nga “in love” sa totoong buhay ang lola n’yo, alam na.
Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING