Coco Martin, si Juday na ang next leading lady!

ADVERTISING

Coco Martin, si Juday na ang next leading lady!

HINDI NA MAAWAT sa pag-angat ang career ngayon ng binansagang ‘Indie Prince’ na si Papa Coco Martin dahil magiging leading man lang naman ang guwapong aktor ng magaling ding aktres na si Judy Ann Santos sa comeback movie nito. Trulili ito at ‘di etching, he-he!

ADVERTISING

Iba na talaga ang level ni Papa Coco. Matapos niyang tanggapin ang parangal bilang Prince of Philippine Movies sa katatapos na Guillermo Mendoza Box Offi ce Entertainment Awards, narito pa ang isang giant project na paparating sa kanya with the presence of Juday of course. Sure na tapatan ng galing sa aktingan ito, ‘di ba? Balitang makakasama din nila sa pelikula ang award winning veteran actress na si Gina Pareño at isa pa ring dekalibreng young actress na si Maja Salvador. Laking tuwa naman ni Papa Coco nang malaman ang napakagandang pagkakataong ito sa kanya bilang artista.

Ang tanong eh, kung magkakaroon ng love scenes sa gagawin nilang movie, makaya kaya ng powers ni Papa Coco ang makapareha rito ang lovely wifey ni Papa Ryan Agoncillo?

 

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING