Coco Martin at Sarah Geronimo, ‘di kailangang i-link sa isa’t isa

ADVERTISING

Coco Martin at Sarah Geronimo, ‘di kailangang i-link sa isa’t isa

Sarah-Geronimo-Coco-MartinMAY CHEMISTRY ang first team-up nina Coco Martin at Sarah Geronimo sa bago nilang pelikulang Maybe This Time ng Star Cinema at Viva Films. Maganda ang reaction pinapanood namin ang trailer nito sa sinehan. Maraming kilig factor ang dalawa na magugustuhan ng kanilang mga fans. Hindi kailangan maging sila para kumita ang isang pelikula at mapag-usapan.

Ayon kay Direk Gerry Lopez Sineneng, it’s a love story centered on Sarah and Coco. Bagay na bagay raw ang material sa dalawang bida. ‘Yung character na kanilang ginagampanan, kakaiba raw, ganu’n din sa mga artistang naka-support sa kanila. Sa tingin nga ni Direk, nakuha niya ang kiliti ng manonood kaya’t wala itong kaba factor na magiging successful ang kanilang pelikula.

Masasabi naming bagay kay Sarah ang role ni Spehn Asuncion, ganu’n rin kay Coco bilang si Tonio Bagayung. Na-in love sa isa’t isa kahit magkaiba ang kanilang pananaw sa buhay. Palibhasa madalas ang kanilang argumento kaya’t hindi nagtagal ang kanilang relationship at nagkahiwalay sila ng landas. Dumating sa buhay ni Tonio si Monica (Ruffa Gutierrez), who happens to be her boss in the PR firm. Gusto niyang baguhin ang personality ni Tonio to fit into Monica’s world.

Maybe This Time is a story on how two people will be reminded about the importance of being truthful to one’s self for true love to triumph. The biggest romantic film of the year and it’s a highly anticipated big screen collaboration between two of ABS-CBN’s biggest and most bankable star, Primetime King Coco and Box-office Queen Sarah.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING