Coco Martin, sa dami ng awards, nae-excite pa ring manalo

Coco Martin, sa dami ng awards, nae-excite pa ring manalo

Coco-MartinANG DAMI na palang acting awards na napanalunan ni Coco Martin na isa sa mga bida sa pelikulang Feng Shui ng Viva Films at Star Cinema na showing na sa Chrisrmas Day. Umabot na ito sa 34, huh! Aba, kung ganu’n, si Coco ang maituturing na most-awarded actor. Ang bongga naman!

Pero kahit napakarami na niyang awards and trophies ay nae-excite pa rin daw siya ‘pag umaakyat sa stage at tumatanggap ng award.

“Hindi naman sa gustong laging magka-award. Pero iba talaga ‘yung feeling kapag nare-recognize ‘yung trabaho at pinaghirapan mo. Napakasarap ng pakirandam,” sabi pa nito.

“Sa akin kasi parang bonus na lang ‘yung award, eh. Kung meron siyempre okey ‘di ba? Kung wala naman, may mga susunod pa namang magagandang proyekto, baka ‘yon, magustuhan nila,” patuloy pa ng aktor.

Sa Feng Shui, hindi raw nag-i-expect ng best actor award si Coco.

“Natapos ko ‘yung pelikula na wala akong inaasahan. Ang importante, nagawa ko ang Feng Shui at nakasama ko for the first time si Ate Kris (Aquino) at nakatrabaho ko si Direk Chito Roño,” reaksyon niya.

Ayon pa sa aktor, may konti siyang sosyo sa pelikula thru K Productions na si Kris ang nagmamay-ari.

Tungkol naman sa pambubuko ni Kris sa kanyang lovelife, tinawanan lang ito ni Coco.

La Boka
by Leo Bukas