Coco Martin, puro palipad-hangin lang kay Julia Montes

Coco Martin, puro palipad-hangin lang kay Julia Montes

Coco-Martin-Julia-MontesKAHAPON, SUNDAY ay nakabalik na galing Batanes sina Coco Martin at Toni Gonzaga after a few days of shooting para sa pelikula nilang You’re My Boss na post-Holy Week offering ng Star Cinema.

Kinabukasan after ng press launch noong Tuesday evening, lumipad na ang produksyon sa Batanes na ang ilang oras na shooting break ay inilaan naman ni Coco sa pamamasyal lalo pa’t kay ganda ng mga tanawin sa Batanes.

Kuwento nga ni Direk Antoinette Jadaone, magaling si Coco. Hindi niya inakala na ang isang seryosong aktor like him ay magiging magaling din sa comedy. Isang romcom kasi ang pelikula nina Coco at Toni.

“May eksena sa movie na very Coco ang approcach. Actually, hindi ko sinabi sa kanya ‘yong punchline. Siya ang nagbitaw nu’n, pero it came out perfect. May timing siya sa comedy,” pagkukuwento pa ni Direk Antoinette na isa sa mga bagong direktor natin sa industriya na nagbigay ng mga magagandang pelikula like Relaks, It’s Just Pag-ibig nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada at ang megahit na Something That Thing Called Tadhana nina JM de Guzman at Angelica Panganiban.

Sa bagong project na ito nina Coco at Toni, natupad na rin sa wakas ang isa sa mga nasa bucket list (pangarap) ni Toni na bago man lang siya ikasal ay makasama niya sa isang project si Coco na ngayon ay hindi na lang pangarap.

Sa kaso ni Coco, tanong ko lang sa aktor, may time pa kaya siyang matulog at magpahinga? Sunud-sunod kasi ang trabaho ng aktor lalo pa’t kailangan nilang tapusin ang pelikula na may playdate na sa Sabado de Gloria (April 4) at may bagong short pantasyerye pa ang aktor with Julia Montes sa Wansapanataym presents Yamishita’s Treasures na nagsimula yesterday (Sunday).

No wonder kung bakit zero ang buhay pag-ibig ni Coco. Sa araw-araw niyang trabaho, no time to go out on a date ang aktor with Julia Montes na nililiyag niya.

Sa panliligaw kasi, dapat pursigido ka rin at seryoso at hindi lang puro palipad-hangin. Hindi sapat na sa taping lang sila nagkakasama ng dalaga na siyempre naghahangad din na ligawan siya nang seryosohan ng aktor, kung sakaling totoo man ang nararamdaman ng binata kay Julia.

Basta kami, miron na lang sa lovelife ni Coco kung meron man. Pero sa totoo lang, bagay silang dalawa, wa eklat!

Reyted K
By RK VillaCorta