Coco Martin, pinatunayang siya pa rin ang nag-iisang King of Primetime

ADVERTISING

Coco Martin, pinatunayang siya pa rin ang nag-iisang King of Primetime

Coco-MartinSOBRANG PROUD kami talaga sa bagong achievement nitong si Coco Martin. Muli na naman kasi niyang pinatunayan na siya pa rin at walang iba ang nag-iisang King of Primetime. Ito ay base sa napakataas na rating ng kanyang Ang Probinsyano, na unang linggo pa lang sa ere ay tinanghal nang number one over all show in Philippine TV!

Uma-average sa 40-41% nationwide rating ang Ang Probinsyano. Naaabot nito ang peak na 42.6% rating kamakailan.

Bukod sa mataas na rating, gabi-gabi ring nagta-top trending ang Ang Probinsyano sa Twitter.

Base sa mga comment tungkol sa Ang Probinsyano, maganda at de kalibre ang produksyon nito. “Lahat ng aspeto ng AP, mahusay! From the actor’s performance, to music, editing, and cinematography! Kumpleto, wala ka nang hahanapin pa!” says one viewer.

ADVERTISING

Matagumpay ding naibalik ng AP ang male crowd sa Primetime Bida!

Sa kabila ng tagumpay ng kanyang teleserye, Coco remains humble. When asked kabout the success of his teleserye, “Sobra pong salamat. Hindi namin ini-expect ‘yung ganitong reception ng tao, pero sobra naming naa-appreciate. Masaya kami na nag-i-enjoy sila,” sabi ng ever humble na si Coco.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING