Coco Martin, pinaiyak ang mentor na director?!

ADVERTISING

Coco Martin, pinaiyak ang mentor na director?!

Coco Martin, pinaiyak ang mentor na director?!BANTAY-SARADO NI MATTEO Guidicelli si Maja Salvador. Nang mag-taping ang bida ng Thelma ng kanyang guesting sa Gandang Gabi Vice kamakailan ay naroroon si Matteo at matiyagang naghihintay. Hindi raw talaga umalis si Matteo

ADVERTISING

hangga’t hindi natatapos ang appearance ni Maja sa show ni Vice Ganda.

So, kapag sinasabi ni Matteo na special friends lang sila ay hindi kami naniniwala. Magdyowa na sila, ‘no!

 

ADVERTISING

SI JULIA MONTES pala at hindi si Maja Salvador ang pinopormahan ni Coco Martin. ‘Yan ang usap-usapan ngayon sa ABS-CBN compound. Madalas nga raw mag-communicate ang dalawa through cellphone. At kinikilig-kilig naman ang Mara Clara star.

Ang haba naman ng buhok ni Julia. Alam namin kasi na marami ang nagkaka-crush ngayon kay Coco at isa na sa very vocal sa pagpapahayag ng kanyang paghanga ay itong si Angeline Quinto.

Hinayang na hinayang pala si Coco na hindi niya nagawa ang Abu Sayaff movie with his mentor Brillante Mendoza. Hindi kasi siya pinayagan ng kanyang network dahil hindi puwedeng mawala siya ng three weeks.

Totoo bang iniyakan ni Direk Brillante ang hindi pagkakasali ni Coco sa kanyang ambitious project?

 

WALANG KAGATUL-GATOL NA sinabi ni Vice Ganda na kung meron mang celebrity na gusto siyang matikman at handa siyang magbayad nang malaki matikman lang niya ito, ito ay walang iba kundi si Derek Ramsay, isa sa leading men niya sa Private Benjamin.

“Kung magpapabayad lang din naman siya, babayaran ko na. Eh, kaya lang, hindi naman magpapabayad ‘yun. Hindi naman tatanggap,” sabi ni Vice sa presscon niya for Globe.

“Pero kung saka-sakali, si Derek Ramsay. Todo na. Sarap nu’n, ‘no!” Walang kagatul-gatol na sabi ng stand-up comedian and host.

Nilinaw ni Vice na wala silang relasyon ni Jon Avila.

“Hindi kami mag-on. We’re like best of friends. Lagi kaming magkasama. Halos lahat ng times na wala akong trabaho,

siya ang kasama ko.”

Kasama nga ni Vice si Jon sa kanyang US tour. Pero nilinaw niyang hindi sila package deal.

“Tandem kami ni Jon at kinikilig ang audience kapag nakikita nila kaming naghaharutan on stage.”

Malalim ang friendship nina Vice at Jon.

“Lovelife niya, lovelife ko, alam namin pareho.”

Inamin ni Vice na nagseselos si Kean Cipriano kay Jon.

“Oo, may mga ganu’n siyang ano. ‘Lagi namang puro Jon lang, eh!’ Tapos si Kris pa, ‘Bakit si Jon lang ang sinasama mo sa tour mo, si Kean, hindi?’”

Sabi naman ni Vice, si Kean ang kasama niya noong unang tour niya.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING