Coco Martin, personal choice na gawing serye ang movie ni Fernando Poe Jr.

ADVERTISING

Coco Martin, personal choice na gawing serye ang movie ni Fernando Poe Jr.

Coco-MartinPERSONAL CHOICE ni Coco ang pelikula na Ang Probinsyano ni Fernando “FPJ” Poe, Jr. para gawing serye. Fan kasi ang akor at ang lola niya ng mga pelikula ni The King.

ADVERTISING

Last Monday, inabangan ko ang unang sultada ng aksyon serye. Hindi ako umalis ng bahay para malaman ko kung maganda nga ba talaga ang serye. Hindi kasi ako dali-dali napagpapaniwala sa mga press releases.

Kapag maganda, maganda talaga at kapag pangit, e ‘di pangit. Parang love-serye nina James Reid at Nadine Lustre na On The Wings of Love na hangga’t maaari ay pinanonood ko gabi-gabi. Parang rituwal na sa akin na nightly ay dapat ma-in love ako at sumabay sa JaDine.

Sa serye ni Coco, aksyon naman na umaatikabong mga flashback scenes nila na patikim lang sigurado ang napanood ko.

ADVERTISING

Pakiwari ko’y hindi lang ito isang aksyon serye dahil sa unang sultada ng palabas, alam mo at mababasa mo sa ikinikilos ng dalawa (Coco at Arjo Atayde) na may bangayan na magaganap sa dalawa na siyang aabangan ko.

Ang galing ni Coco. Ganu’n din si Arjo na sa mga galaw ng mga mata niya, alam mo na may ngitngit na galit siya kay Coco.

Kaya nga nang malaman ni Coco na si Maja Salvador ay makasasama niya sa serye, laking tuwa ng binata.

Almost four years ding hindi sila nagkasama sa anumang proyekto, kaya malaking bagay na dahil sa Dreamscape project na ito ay pinagsama silang muli lalo na nga’t marami sa kanilang tagahanga ang humihiling na mabuo ulit ang kanilang loveteam. Tawag nga kina Coco at Maja ay “CocoJam” na tunay naman talaga na napaka-sweet na masarap ipahid sa mainit na pandesal tuwing umaga at merienda.

With the new show, happy ang mga CocoJam fans dahil ang naudlot nilang “loveteam” at muling ipagpapatuloy.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING