Coco Martin, ni-reject dati ng TV exec ng Dos

ADVERTISING

Coco Martin, ni-reject dati ng TV exec ng Dos

Coco-MartinCoco-MartinYEARS AGO, nilait-lait nina Kris Aquino at Kim Chiu si Coco Martin. Nababaduyan kasi sila sa pananamit ni Coco, wala raw itong fashion sense.

Na-hurt nang husto si Coco when he learned about it. Hindi niya kinausap ang dalawa for months dahil doon.

Now, Coco is working with Kim in a soap. Biglang naging sweet si Kim sa kanyang leading man. All too suddenly, parang si Coco ang pinakamagaling niyang nakatambal.

Si Kris naman, inamin ang kanyang panlalait kay Coco at nag-sorry na raw siya years ago pa.

ADVERTISING

Nakakaloka itong sina Kris at Kim, parehong malaki ang K, as in KAYABANGAN.

At itong executive pala ng Dos ay twice na ni-reject in the past si Coco dahil nag-bold daw ito. Dapat pala ay merong guesting sa drama show si Coco but he was rejected twice, all because naghubad siya sa indie film. Ganyan kabababa ang tingin ng executive sa mga hubadero sa showbiz.

Eh, nabigyan si Coco ng chance to shine at siya ngayon ang Primetime King ng Dos. Ano kaya ang reaksyon ng TV exec na nag-reject sa kanya noon. Ano ang masasabi niya na ang kanyang nilait ay siyang nagdadala ng pera sa kaban ng network ngayon?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING