Coco Martin, natupad na ang dream house

Coco Martin, natupad na ang dream house

Coco-MartinNOONG NAKARAANG Kapaskuhan ipinalabas sa Kris TV ang dream house ng bawat nangangarap na magkaroon ng bahay na pinaghirapan ng aktor na si Coco Martin. Walang kaabug-abog, ang pagtitiyaga at paghihirap ng aktor ay nagbunga ng isang napakagarang bahay na ipinatayo niya para sa sarili at sa kanyang future family at sa kanyang mga kapatid.

Impressive ang bahay with matching swimming pool. Sa totoo lang, sa lahat ng mga showbiz houses na nakita namin, itong kay Coco ang numero uno. Walang katapat, ‘ika nga. Not even the big houses of showbiz politicians or mga malalaking artista natin sa kasalukuyan ay mayroong ganu’n kalaking haybols tulad ng kay Coco.

Ang main door na commissioned sculpture ng isang National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao (wood and metal design ng isda na ang balita namin ay more than worth P7 million ang halaga) ay very impressive.

Ang swimming pool, ang bar at lounge ng bahay ni Coco, hindi mo matatawaran sa ganda at ang panlasa ng aktor pagdating sa kanyang hilig sa art works. Sa katunayan, napangiti kami nang sabihin ni Kris Aquino na hindi niya kilala ang National Artist na si Ramon Orlina kung saan may isang art piece na pag-aari ang aktor.

Kung ano man ang meron ngayon ang aktor after 10 years of hard work, natutuwa kami sa kasipagan at pagiging masinop niya na nagbunga ng dream house ng bawat Pilipino.

Reyted K
By RK VillaCorta