Coco Martin, nakatutuwa ang dibersiyon

ADVERTISING

Coco Martin, nakatutuwa ang dibersiyon

Coco Martin
Coco Martin

Nakatutuwa naman ang dibersyon ng aktor na si Coco Martin.

Sa kabila ng kabisihan niya sa taping ng nightly show niya na “Ang Probinsiyano” para sa Kapamilya Network, may time pa pala siya sa kanyang hilig, ang mag-gardening.

Sa harap ng ipinatayo niyang magarang bahay na may sukat na almost 2,000 sq. meters ang laki ng lupa sa may bandang Fairview, Quezon City, nag-e-enjoy si Coco na alagaan at i-maintain ang kanyang vegetable garden sa harap ng kanyang bahay.

Sa simula, pinaayos niya ang maliit na bahay-kubo na sa umaga, roon siya nagka-kape at kung wala rin lang namang trabaho, asahan mong nandu’n si Coco Martin na ginagawang tambayan ang bahay-kubo.

ADVERTISING

Sabi nga niya nu’ng kausap namin siya a couple of months ago, “Masarap kasi. Relaxing, lalo na ‘yong bahay-kubo sa ilalim ng isang puno. Kung wala akong taping or trabaho at nasa bahay lang ako, kung wala ako sa room ko, rito mo ako sa bahay-kubo matatagpuan.”

Nakatutuwa nga dahil ‘yong ibang mga tao na dumaraan sa amin, nag-uusyoso,” sabi niya noon sa amin.

Ang naturang espayo ay hiniram lang pala ng aktor sa taong nagmamay-ari ng lupa na ngayon ay siya ang nag-aalaga at pinagawan ng maliit na vegatable garden, na kamakailan, sa kanyang Instagram account ay ay nag-post pa siya ng kanyang inaning ampalaya at talong mula sa kanyang garden.

Relaxing nga ang dibersyon ng aktor.

Ayon sa text message ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda, aside from gardening, si Coco daw ay marunong ding magluto na siyang natutunan niya sa kanyang lola.

I’m sure, ang inani ni Coco na mga gulay recently, siya ang magluluto ng paborito niyang pinakbet, na siguro rin akong i-invite niya si Julia Montes for lunch para matikman ang kanyang inani mula sa kanyang garden na nagbunga ng sari-saring gulay.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING