Coco Martin, nakabibilib ang pagmahahal sa pamilya

Coco Martin, nakabibilib ang pagmahahal sa pamilya

Coco-MartinNAKABIBILIB ANG pagmamahal ni Coco Martin sa kanyang pamilya. Imagine, doon sa mansion na ipinatayo niya sa Quezon City, nando’n din sa compound ang kanyang buong pamilya – ang magkahiwalay na nanay at tatay, ang kanyang lola, at mga kapatid.

Lahat daw ng kinita niya nu’ng mga nakaraang taon ay ginamit niya para matupad ang matagal na niyang pangarap na buuin ang kanyang pamilya. ‘Yon daw ang dahilan kung bakit sobra-sobra siyang magtrabaho.

“Gusto kong mapabuti ang pamilya ko kaya hindi talaga ako tumitigil sa pagtatrabaho,” sey pa ng ABS-CBN Primetime King na bida sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na magsisimula na sa March 22. Kasama ni Coco sa oncea week series si Julia Montes na matagal nang nali-link sa kanya.

Nabanggit din ni Coco na ang mga karatig na lote ng pinatayuan niyang bahay ay binili na rin niya at ipinangalan sa kanyang mga kapatid. Wow, naman! Matindi talaga ang pagmamahal ng aktor sa kanyang pamilya. Kahanga-hanga, huh!

Bukod nga pala sa Yamishita’s Treasures ay malapit na ring ipalabas ang pelikulang first time nilang pinagsamahan ni Toni Gonzaga titled You’re My Boss under Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas