Coco Martin, nagte-training nang humawak ng baril at sumuntok

ADVERTISING

Coco Martin, nagte-training nang humawak ng baril at sumuntok

Coco-MartinSINIMULAN NA ni Coco ang training bilang paghahanda sa nalalapit na taping ng TV version ng Ang Probinsyano, isa sa classic films ni Fernando Poe Jr. Part ng training ang pag-aaral niyang humawak ng baril at sumuntok.

Nu’ng Lunes (May 25) ay nasa Camp Crame si Coco. Bago pa man ang flag-raising ceremony ng mga kapulisan ay nando’n na ang aktor para mag-observe. Kinausap din niya ang ilang PNP officials para sa briefing.

Naka-post sa IG account ng Dreamscape ang pagdalaw ni Coco sa Camp Crame pati ang pagbibigay sa kanya ng “PNP Memento” ng mga opisyales ng PNP bilang tanda ng pagkilala.

Sa nakita naming photos ni Coco with PNP officials, halatang feel na feel ng aktor ang mapasama sa hanay ng kapulisan. At least, ngayon ay matutupad na niya ito sa bagong serye na kanyang gagawin, huh!

ADVERTISING

Samantala, medyo nawala ang pressure kay Coco sa pagbibigay-buhay sa dating karakter ni FPJ bilang pulis sa TV version ng Ang Probinsyano nang sabihin ni Ms. Susan Roces na hindi niya kailangang gayahin ang kilos at pananalita ni FPJ.

Nangako naman si Coco na gagawin niya ang lahat ng makakaya para magampanan nang maayos ang role ng isang pulis sa bagong teleserye. Naniniwala naman si Ms. Charo Santos na kakayanin ni Coco ang challenge at mabibigyang-dangal ng Dreamscape Entertainment ang TV version ng Ang Probinsyano.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING