Coco Martin, nagpakalbo para sa bagong action-serye

Coco-MartinLAST WEEK AY naganap ang presentation conference nina Vice Ganda at Coco Martin para sa isang project. Yes, tila matutuloy na ang pagsasama sa pelikula ng dalawa na ang balita namin ay target date ng project ay late November or early December bago ang MMFF 2015.

Pero habang naghihintay sa naturang project, nagsimula naman ang taping nila last Friday ng Ang Probinsiyano na ikinagulat ng marami, dahil naglakas-loob ang aktor na magpa-kalbo para sa kanyang role bilang isang pulis.

Bukod kay Coco at ilang mga kasamahang artistang lalaki na talaga namang nagpakalbo para sa kani-kanilang mga karakter sa action-serye, pati si Arjo Atayde, sa Facebook account niya, kinumpirma din niya na pati siya “kalbo” na rin.

Si Coco at Arjo will play bestfriends sa serye, pero may magandang twist na dapat abangan ng mga fans nina Coco at Arjo sa pagsisimula ng serye na balita namin ay ngayong buwan din magpa-pilot telecast.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAnne Curtis, masakit sa ulo ang boses
Next articleJodi Sta. Maria, nahirapang makawala sa character ni Maya

No posts to display