Coco Martin, na-good karma

ADVERTISING

Coco Martin, na-good karma

Coco-MartinNAKALULUNGKOT TALAGA ‘yung nangyari sa sitwasyon nina Katherine Luna at Coco Martin, dahil ang tagal-tagal ng kanilang iringan nang dahil lang sa laging pagpapainterbyu ng magaling na aktres at dating sexy star tungkol sa diumano’y pagiging iresponsable ng guwapong actor sa diumano’y naging anak nila. Sobrang gulo ang utak noon ni Coco, dahil kung siya ang tatanungin ay wala naman siyang gustong mapabayaan, pero isaayos muna ang lahat kung anak nga ba niya talaga ang ugat ng kanilang hidwaan.

Ipina-DNA test ‘yung anak ni Katherine, at nalungkot si Coco para sa bata dahil negative diumano ang resulta.  Nakatutuwa nga ang intensiyon ni Coco, dahil ang isa sa naging plano niya ay tutulungan niya rin ang bata ke anak man niya o hindi, dahil umasa na nga naman ‘yung bata na sila ay mag-ama.  Nakaaawa nga dati si Coco nu’ng maraming nang-iintriga sa kanya na nagsisimpatiya kay Katherine at sa bata, dahil hindi pa talaga alam ni Coco kung papaano haharapin ang intrigang iyon.

Makakarma raw si Coco dahil sa hindi pag-iintindi sa anak umano nila ni Katherine, pero kaya pala patuloy na gumaganda ang career ng leading man ni Sarah Geronimo sa pelikulang Maybe This Time ng Star Cinema at Viva Films, ay dahil wala naman siyang itinagong masamang intensiyon. Ilang beses nagpatuloy ang pagbiibda ni Coco sa mga teleserye, at kasama na siya ni Kris Aquino sa part 2 pelikulang Feng Shui ni Direk Chito Roño na kasali sa darating na Metro Manila Film Festival 2014.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING