Coco Martin, malayung-malayo na sa dati ang buhay ngayon

ADVERTISING

Coco Martin, malayung-malayo na sa dati ang buhay ngayon

Coco-MartinCOCO MARTIN is now one of the hottest male stars of his generation. Mapa-primetime series man o pelikula ay in-demand siya bilang leading man. He has a new movie opposite Sarah Geronimo, ang Maybe This Time.

Gaya sa mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan ay makulay at maaksyon din ang personal na buhay ni Coco. Sa kanyang exclusive interview sa The Buzz 15 ay binasag niya ang kanyang katahimikan tungkol sa ilang kontrobersiyang idinidikit sa kanya.

Una, about Superstar Nora Aunor na nakasama niya sa pelikulang Padre de Pamilya. Noon pa raw gusto nang makatrabaho ni Coco si Ate Guy. Natupad ang kanyang pangarap. “Napakaganda po ng aming pagsasama. Natapos ang pelikula, nagtatawagan at nagte-text pa kami.” Nagulat siya nang malaman na may isyu about them na diumano’y nagkautang si Ate Guy sa kanya. Hindi raw maganda ang tsismis na ito. Nilinaw ni Coco na walang pagkakautang sa kanya si Ate Guy. Nag-text at nagsorry si Coco sa kanya. Coco did not know that she texted back kasi hindi niya natanggap. May utang na loob daw siya kay Ate Guy dahil pumayag itong makasama si Coco sa pelikula. He wanted to clear Ate Guy’s name from the controversy.

Pangalawa, si Coco raw ay may kalive-in, may anak, may girlfriend. Bata pa raw siya noong mga panahong iyon. Naging mapusok at may nangyaring isang bagay na hindi inaasahan. Katherine Luna was not his girlfriend. When she told him that she was pregnant, hindi nagtanong si Coco kung kanya ba iyong baby o hindi. He asked her kung ano ang maitutulong sa kanya. Ano ba ang vitamins para sa buntis? He was still a student that time at rumaraket sa paggawa ng indie films. They had no relationship pero kailangan niyang panindigan ang kanyang ginawa. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak kung ano ang pinagdaanan niya. Pinapakilala ni Katherine na si Coco ang ama ng kanyang anak. Lahat ng mga panlalait at masasakit na salita ay inabot ni Coco . “Nagsisimula pa lang ako, ang dumi-dumi na ng pangalan ko.” Hindi alam ng mga tao na ginagawa ni Coco ang kanyang responsibilidad sa abot ng kanyang makakaya.

ADVERTISING

Then there was a time when he was shooting Born to Love You. He met his supposed child and the grandmother. Sinabi ni Coco sa kanyang manager na gusto niyang kunin ang bata pero sinabi nito na daanin sa tamang proseso. The lola agreed na ipa-DNA iyong bata. The result was negative. “Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin iyong lahat ng nakaraan. Lahat ng mga masasakit na salita na inabot ko sa tao. Pati lola ko, nahihiyang lumabas kasi nga parang napaka-iresponsable kong tao. Iyon ang tingin sa akin ng ibang tao.” Kawawa daw ang bata. Ang laking damage ng nangyaring ito.

Hindi pa rin nagbabago si Coco in spite of his success in showbiz. He is still Deng to his family. Hindi lingid sa publiko na laki siya sa kanyang lola because his parents separated. There came a point na nagrebelde ang kapatid niya, sinabi ni Coco sa kanyang sarili na kung bibitaw siya at pati siya ay masisira, paano na ang pangarap niya? Masasabing unique ang set-up ng kanilang pamilya. Sa kanilang compound, may sari-sariling bahay ang kanyang magulang pero kapag kumakain ay magkakasama. Hindi na rin daw niya inaasahan na magkakabalikan pa ang mga ito.

Wala raw siyang lovelife ngayon. It is a choice.

Nag-iipon daw si Coco para sa “future” ng kanyang pamilya. Gaano siya kayaman ngayon? “Malayung-malayo sa dati,” ang simple niyang sagot.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING