Coco Martin, malaking pera ang ilalabas sa Ang Panday

ADVERTISING

Coco Martin, malaking pera ang ilalabas sa Ang Panday

Coco Martin, malaking pera ang ilalabas sa Ang Panday
Coco Martin

INAMIN ni Coco Martin na maglalabas siya ng malaking pera para sa remake ng Ang Panday na directorial debut niya under CCM Films na ipapalabas sa 2017 Metro Manila Film Festival.

“Opo, eh.  Ako na lang naman ang nagtitiwala sa sarili ko, eh,” pag-amin ng actor turned director.

Mas okey na raw na siya ang mag-produce para siya lang ang masisisi if ever hindi naging super hit ang pelikula.

“Para walang ano… sabi ko nga, walang sisihan kahit anong mangyari. At least, boses ko, idea ko ang masusunod.”

ADVERTISING

Nagbigay din ng reaksyon si Coco sa pagtatapat ng pelikula nila ni Vice Ganda sa MMFF.

 “Eh, ganun po talaga, eh. Hindi ko naman maiiwasan yon, eh. Pero kesa naman mag-isip ng kung anu-ano, mas mabuting ayusin na lang namin yung gagawin naming parehong trabaho para masulit yung ibabayad ng mga tao,” sey pa niya.

Nag-usap na ba sila ni Vice?

“Hindi na po, eh. Hindi pa po. Medyo busy din kasi siya.”

Hindi naman ba maapektuhan ang friendship nila ni Vice sa mangyayari?

 “Mahaba pa po ang tatakbuhin, eh. Tingnan natin,” sambit pa niya.

Makakasama ni Coco sa Ang Panday ang mga artistang katrabaho din niya sa Ang Probinsyano tulad nina Albert Martinez, Agot Isidro, Onyok, Eddie Garcia at marami pang iba.

Si Mariel de Leon naman ang magiging leading lady ni Coco sa pelikula.

               

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING