Coco Martin, lagare sa promo ng bagong serye

Coco-MartinPARANG WALA talagang kapaguran si Coco Martin. Ang sipag-sipag niyang mag-promote ng pinakabagong primetime series niya sa ABS-CBN na Ang Probinsiyano. Kung saan-saang probinsiya at malls siya nakararating kasama ang ibang cast to tell the audience na abangan ang kanyang series.

Nagkaroon na rin ng special screening for the first five-day episode ng Ang Probinsiyano sa Trinoma na dinaluhan ng cast and special celebrity guests.

Sinundan ito ng solo presscon for Coco kung saan inimbita ang ilang entertainment press na naging malapit sa Drama King.

Panay rin ang paglabas ng kanyang TV plug kaya masasabing bugbog na sa promo ang serye at very much aware na ang mga tao tungkol dito.

Nga pala, three weeks na lang sa ere ang Nathaniel nina Marco Masa, Gerald Anderso,n at Shaina Magdayao at posibleng sa mababakanteng timeslot ilalagay ang Ang Probinsiyano.

Samantala, during Coco’s solo presscon, kapansin-pansin kung gaano na siya kagaling magsalita ngayon. Naipaliliwanag na rin niya nang maayos ang kanyang point of view sa isang isyu like tungkol sa politics, showbiz, at sa mga bading na gustong mag-pulis.

In his case, very applicable talaga ang kasabihang experience is the best teacher. It really shows on him. He has matured so much and we are very proud sa kanyang mga naging achievements at kung ano ang estado niya ngayon sa showbiz.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleLorna Tolentino, ‘di na babalik sa naunsyaming show ng TV5
Next articleJoey de Leon, may regulasyon daw sa cast ng kalyeserye

No posts to display